"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda". Yan ang katagang iniwan sa atin ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal. Ang katagang iyan ang nagmumulat sa mga mata ng bawat Pilipino na dapat natin mahalin ang atin sariling wika.
Ngayong buwan ay ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika upang gunitain sa ating mga kababayan na hindi tayo dapat magpasakop sa wika ng ibang bansa. Tagalog ang karaniwan natin tawag sa ating sinasabi, ngunit Filipino talaga ang tawag sa ating wika. Ang pagbibigay importansiya sa ating wika ay makakatulong para palawakin ang ating kaalaman at matutong makipagsalamuha sa ating kapwa. Kaya ang "Buwan ng Wika" ay ipinagdiriwang upang ipagmalaki natin ang ating sariling wika at upang hindi ito mkalimutan lalo na sa darating na bagong henerasyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento